Patuloy ang mga pagsisikap ng Department of Energy (DOE) na maibalik ang mga serbisyo ng kuryente sa mga apektadong lugar ng Sarangani at mga kalapit na munisipalidad kasunod ng Magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Sa Jose Abad Santos, nananatili ang paggamit ng single-phase lateral line sa mga nasirang Barangay San Isidro, Quiapo, at Molmol.
Habang ang Sarangani–Davao Coastal Road backbone line ay limitado lamang ang pag-access sa ilang mga lugar, sa pamamagitan ng motorsiklo na nagpapabagal sa repair at clearing operations.
Sa Glan, ang partial energization ay naabot na ang ilang barangay, habang nagpatuloy ang trabaho sa mga komunidad na target makumpleto ngayong araw, June 16, 2026.
Gayunpaman, ang ilang kabundukan at remote barangay ay nananatiling hindi naa-access dahil sa kondisyon ng kalsada, na pumipigil sa isinagawang assessment at pagkaantala sa pagpapanumbalik ng kuryente.
Ang Department of Energy, mga concerned distribution utilities at field teams, ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa ground operation upang ligtas na maibalik ang mga serbisyo ng kuryente habang tinitiyak ang proteksyon ng mga lineworker at residente sa mga apektadong lugar.