RTVM Screengrab
Walang nakikitang dahilan ang DFA para hindi magustuhan ng European Union, Singapore, at Estados Unidos ang anomang mapagkakasunduan ng Pilipinas at Russia na may kinalaman sa iba’t ibang aspeto gaya ng trade and investment.
Pahayag ito ni Deputy Assistant Secretary for ASEAN Affairs Dominic Xavier Imperial sa harap ng nakatakdang pagtungo sa Russia ni Pangulong Marcos ngayong linggong ito para sa ASEAN-Russia Commemorative Summit kung saan ay ilang mga kasunduan ang lalagdaan sa pagitan ng Russia at Pilipinas.
Ayon kay Imperial, isang dialogue partner ng ASEAN ang Russia at tanggap naman ng ibang mga bansa sa kung anoman ang nais maisulong ng Pilipinas na agreement sa ibang mga nasyon.
Mula aniya sa gabay na manggagaling sa ASEAN centrality ay ipagpapatuloy ani Imperial na ipursige ng bansa ang pakikipagrelasyon sa mga dialogue partner nito kasama na ang Russia.