Umabot na sa mahigit P1.3 bilyon ang kabuuang halaga ng pinsalang iniwan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Batay sa pinakahuling datos ng Office of Civil Defense (OCD), nasa 774 imprastraktura ang napinsala sa kalamidad na nagkakahalaga ng P1.029 bilyon.
Samantala, naitala naman sa P29.8 milyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura, partikular sa mga lalawigan ng Davao del Norte at Davao del Sur.
Ayon pa sa OCD, nakapagkaloob na ng P160.9 milyong halaga ng tulong ang pamahalaan para sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol.
Bukod dito, umaabot na rin sa P8.1 milyong halaga ng ayuda ang naipamahagi sa mga lokal na pamahalaan ng mga apektadong munisipalidad. | ulat ni Diane Lear