Wala ng “relevance” at maaaring mabasura ng Korte Suprema ang Status Quo Ante Order petition ni Senator Alan Peter Cayetano upang makabalik ito sa pagiging Senate President.
Ito ang naging pahayag ng Constitutional Law Expert na si Atty. Domingo “Egon” Cayosa sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service patungkol sa isinampang petisyon ng senador sa Supreme Court.
Naniniwala si Atty. Cayosa na wala ng relevance ang petisyon dahil sa mga pinakahuling kaganapan sa Senado.
Binigyan pansin din ng Constitutional Law expert ang pagkakaroon ng existing resolution sa isyu ng senate leadership at conservatism ng judiciary na maaaring hindi na kailangan ang intervention ng Korte.
Nitong umaga, nahalal bilang full pledge Senate President si Senator Sherwin Gatchalian habang Senate Pro Tempore naman si Senator Tito Sotto.
Mula sa pagdalo sa sesyon, nalulok din si Senator Joel Villanueva bilang Deputy Majority Leader kasama ni Senator JV Ejercito, sa bisa ng quorum na binubuo ng 13 senador.