Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang sa bagong Senate President sa katauhan ni Senador Sherwin Gatchalian.
Kasunod na rin ito ng pagkakahal kay Gatchalian bilang pinuno ng Senado.
Kasabay nito ay nagpasalamat din ang Palasyo sa House of Representatives sa pangunguna ni Speaker Bodjie Dy, gayundin sa mayorya ng Senado na handa na aniyang magtrabaho bilang mga mambabatas.
Kaugnay nito’y inihayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng mabilis, maayos at episyenteng serbisyo ang pamahalaan para sa taumbayan.
Binigyang-diin ni Castro na kailangang maisabatas ang mga priority bills upang higit pang mapalakas at mapalawak ang mga programa at tulong ng gobyerno para sa mga Pilipino.
Ang pagbati ay ipinaabot ng Malacañang kasunod ng pagtanggap ni Senador Allan Peter Cayetano hinggil sa pagbabago sa liderato ng Mataas na Kapulungan.