Para sa maraming tindero at negosyante sa mga pampublikong pamilihan, ang mahinang internet signal ay maaaring mangahulugan ng nawawalang benta. Handa nang magbayad ang isang mamimili gamit ang QR code, ngunit hindi natutuloy ang transaksyon dahil sa problema sa koneksyon.
Dahil dito, napipilitang bumalik sa paggamit ng cash ang mga nagtitinda. Samantala, naghahanap naman ng eksaktong sukli o pinakamalapit na ATM ang mga mamimili. Ang dapat sana’y mabilis at madaling transaksyon ay nagiging abala para sa parehong mamimili at nagbebenta.
📸 DICT