Photo courtesy of President Trump's FB Page
“Without me, there will be no Israel.”
Ito ang naging pahayag ni United States President Donald Trump sa isang press briefing sa pagdalo nito sa Group of Seven (G7) Summit sa France.
Batay sa ulat ng CNN, ito ang naging sagot ng US president sa tanong ng media kung dismayado ba ito sa mga naging aksyon ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu pagdating sa isyu ng Hezbollah sa loob ng Lebanon.
Dagdag pa ni President Trump, dapat maging responsable ang Israeli prime minister pagdating sa paglutas ng sigalot nito sa Lebanon.
Ayon pa sa US leader, naniniwala ito na ginagawang mahirap ng Israel na makabuo ng isang peace kasama ang Iran dahil sa naging sunud-sunod na pag-atake at military movement ng Israel laban sa Hezbollah.
Matatandaan na iniiwasan ni Israeli Prime Minister Netanyahu ang komprontasyon kay US President Trump, ngunit nanindigan na bilang prime minister ng Israel ay tungkulin nito na siguruhin ang security interest ng bansa.
Kabilang sa inilatag ng Iran sa anumang peace deal, bago ito maisakatuparan, ay ang pagtigil sa military attacks ng Israel sa Hezbollah group at sa Lebanon.