Wala pang natatanggap na kahit anupamang opisyal na komunikasyon ang Department of justice kaugnay ng kinakaharap na kaso ni Senador Bong Go sa International Criminal Court o ICC.
Ito ang kinumpirma ni Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez matapos lumutang ang ilang impormasyon na diumano mayroon nang warrants of arrest na inilabas ang ICC laban kay Go at sa dalawa pang police officers.
Ayon kay Martinez, nagverify sila sa Phil. Center for Trans. National Crime o PCTC ngayong araw at sinabing walang ganitong impormasyon pa silang natatanggap.
Si Go ay co-perpetrator ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald Bato Dela Rosa para sa kasong crimes against humanity sa ICC, resulta ng mga insidente ng Extra Judicial Killings o EJK’s sa nagdaang administrasyon at isinampa noong 2017. | ulat ni DK Zarate