Pinagtibay ng House of Representatives ang House Resolution No. 1131 na nagpapahayag ng pakikiisa sa mga komunidad na naapektuhan ng kamakailang lindol sa Southern Mindanao.
Ang resolusyon ay inaprubahan sa pamamagitan ng voice voting sa isinagawang special session, kahapon.
Sa ilalim ng resolusyon, hinikayat ang lahat ng miyembro ng Kamara na sama-samang tumugon sa mga pangangailangan ng mga naapektuhang lugar, sa pamamagitan ng pagbibigay ng ano mang uri ng tulong para sa mga biktima ng lindol at pagsuporta sa mga programa ng relief at rehabilitation.
Nanawagan din ang Kamara sa mga mambabatas na makiisa sa mga hakbang para sa agarang pagbangon ng mga komunidad na sinalanta ng kalamidad.
Base sa datos, hindi bababa sa 68 ang kumpirmadong nasawi sa lindol, 333 ang nwawala at daan-daan ang sugatan.
Nakapagtala din ng pinsala sa imprastruktura at agrikultura.
Ang resolusyon ay inihain nina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, at Minority Leader Marcelino Libanan.
