Nanawagan ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa mga residente na makiisa sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Huwebes, June 18, mamayang alas-9 ng umaga.
Gaganapin ang pangunahing aktibidad sa Malabon sa Panghulo Elementary School Main Campus na inaasahang dadaluhan ng mga opisyal ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval, Schools Division Superintendent Dr. Juan Obiena, CESO IV, Malabon DRRMO Head Roderick Tongol, at iba pang opisyal.
Isasagawa rito ang Duck, Cover, and Hold para maituro ang tamang pagtugon sa oras ng lindol, mabawasan ang panganib sa buhay at ari-arian, at mapatatag ang kultura ng kaligtasan at pagiging handa ng mga Malabueño.
Kasabay ng earthquake drill ang turnover ng emergency box bilang bahagi ng pagpapaigting ng disaster preparedness sa komunidad.

