Pinabilis pa ng Department of Education (DepEd) ang pagpapalabas ng pondo sa ilalim ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program.
Ito’y para suportahan ang mga teaching personnel ng Kagawaran sa buong bansa.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, determinado silang tugunan ang mga learning gap sa Reading, Science at Mathematics habang pinoprotektahan ang kapakanan ng mga frontline educator.
Aniya, prayoridad ng DepEd na pagsabayin ang mabilis na learning recovery at ang sapat na suporta sa mga guro alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Tiniyak din ni Angara ang pagpapalawak ng nasabing programa, maibsan ang pasanin ng mga guro at mabayaran ng tama ang kanilang sobrang trabaho.

