Aprubado na ng Commission on Appointments (CA), ang promotion ng 5 heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kabilang sina: Lt Gen Edmundo Peralta, Vice Admiral Alan Javier, Major Gen Isagani Criste, Brig Gen Niceforo Diaz Jr., Brig Gen Rosemawatte Remo.
Bago ang kanilang kumpirmasyon, pinunto ni Senador Rodante Marcoleta na umabot na sa edad na 56 ang mga nabanggit na sunado at na-bypass na matapos ang Sine die Adjurnment ng kongreso noong June 3, 2026.
Pinunto ni Marcoleta ang probisyon sa RA 11939 na nagsasabing ang isang opisyal na itatalaga o ipo-promote sa ranggong brigadier general o mas mataas ay dapat may hindi bababa sa isang taong natitirang serbisyo bago ang mandatory retirement.
Dahil dito, maaari aniyang hindi na kwalipilado para sa muling appointment o kumpirmasyon ang limang opisyal.
Pero pinaliwanag naman ni Senador Ping Lacson na ang mga opisyal ay nabigyan ng ad interim appointments bago ang May 25, 2026 o bago ang pag resume ng regular session ng kongreso.
ayon kay lacson, dahil naitalaga sila bago pa umabot sa edad na sakop ng one-year requirement at bago ang pagbalik ng sesyon, hindi sila dapat masaklaw ng itinatawag na one-year ban.
binigyang diin din ni senator ping na hindi na bypass ang appointment ng mga opisyal dahil ang ginagawa nilang special session ngayong araw ay maituturing na pagpapatuloy ng last session ng CA.
Pinunto rin ni Senador Tito Sotto na hiwalay na constitutional body ang CA kaysa sa senado at kamara kaya pwede itong ituring na continuing session.
Sa huli, nakumpirma rin ang appointment ng limang AFP general.
Aprubado na rin ng CA ang ad interim appointment ng 85 officers ng department of foreign affairs (DFA).
sa CA session, tumayo si senate president sherwin gatchalian bilang chairman ng CA.
Nanumpa na rin ang mga senador na miyembro ng CA kabilang sina: Sen. Ping Lacson, Sen. Juan Miguel Zubiri, Sen. Joel Villanueva, Sen. Risa Hontiveros, Senador Vicente Sotto III, Senador Raffy Tulfo, Senador JV Ejercito.
Sa bahagi naman ng senate minority, hinalal ng CA members sina: Sen. Bong Go, Sen. Imee Marcos, Sendora Loren Legarda at Sen. jinggoy Estrada. | ulat ni Nimfa Asuncion