“Walang kapangyarihan ang gobyerno sa International Criminal Court.”
Ito ang naging tugon ng mga tagapagsalita ng prosecution panel kasunod ng social media ni Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte ukol sa umano’y ilalabas na Arrest Warrant laban kay Senador Bong Go.
Sa isang press conference, nilinaw ni Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na wala silang direktang impormasyon o kaalaman ukol sa sinasabing pagpapalabas ng Warrant of Arrest.
Ngunit idiniin nito na independent ang International Criminal Court (ICC) at nasa kanilang hurisdiksyon lamang ang paglalabas ng Arrest Warrants.
Aniya, ang pasya ng ICC ay walang kinalaman sa gobyerno ng Pilipinas o kahit na anong bansa.
Sinuportahan naman ni Kabataan Representative Rene Co ang naging pahayag ni Adiong at idiniin na ang mga batas na pinaiiral ng ICC ay nakabatay sa mga pandaigdigang prinsipyo na layong magbigay ng hustisya sa karapatang pantao.