Nakapagtala ang PHIVOLCS ng 75 volcanic earthquakes sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras, batay sa ulat nito ngayong June 20, 2026.
Nasa 60 tonelada kada araw ang sulfur dioxide flux sa naturang bulkan, batay sa pinakahuling monitoring ng ahensya noong June 19, 2026.
May taas na 50 metro ang plume ng bulkan na may katamtamang pagsingaw at napadpad patungong kanluran.
Naitala rin ang panandaliang pamamaga ng bulkan.
Sa kasalukuyan, nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan, kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4-kilometrong Permanent Danger Zone at ang pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-kilometrong Extended Danger Zone (EDZ) sa timog-silangang bahagi ng bulkan. Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.
Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na posibleng maganap anumang oras ang biglaang steam-driven o phreatic eruption. | ulat ni Paul Hapin | RP Albay
📸 PHIVOLCS