Maganda at hindi gaano kagandang balita ang hinaharap at maaring harapin muli ng buong mundo sa likod ng pagbubukas ng Strait of Hormuz.
Batay sa ulat mula sa CNN, nakumpirmang na tuluyan ng nagbukas sa daloy ng mga commercial shipping vessels ang strait matapos mapirmahan ng US at Iran ang Memorandum of Understanding (MOU) tungo sa isang pangmatagalang peace deal para sa Middle East.
Ang nasabing MOU ay nag-dulot ng kagyat na pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo sa $80.00 per barrel mula sa mahigit $120.00 per barrel sa kasagsagan ng giyera at pagsasara ng Strait of Hormuz.
Bagamat nakita ang pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan, nawawala naman ang may mahigit isa punto limang bilyong bariles ng langis dahil hindi nakapag-produce ang mga oil producing countries sa Middle East sa loob ng apat na buwan dahil sa tensyon sa rehiyon at pagsasara ng strait of Hormuz.
Dahil dito, nasa mababang lebel ang strategic petroleum reserves mula pa noong taong 1990 samantalang nasa 43 year low naman ang commercial inventories ng American Emergency Reserves.
Sa harap ng sitwasyong ito, sa, kabila ng pagbubukas ng Strait of Hormuz, maaring tumaas muli ang presyo ng langis sa International Market habang binabalik ang normal na oil production sa Middle East.
Tinataya ng International Energy Agency na aabutin ng isang taon para mabawi ang hindi na produce na 1.5 bilyong bariles ng langis upang maibalik sa mababang presyo ang petrolyo sa merkado.