Naka-alerto na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa inaasahang pagpasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng Tropical Storm “Francisco”.
Ayon kay DSWD Asistant Secretary Irene Dumlao, may nakaimbak nang mahigit 4.7 milyong family food packs sa iba’t ibang bodega at field offices sa buong bansa para sa agarang pamamahagi sa mga maaapektuhang lugar.
Mayroon din umanong P4.4 bilyong standby funds at relief supplies na nakahanda para sa augmentation assistance kung kinakailangan.
Sinabi ni Dumlao na nakaantabay na ang lahat ng field offices at patuloy ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan para sa mabilis na paghahatid ng tulong. | via Rey Ferrer