Hinamon ni House Committee on Higher and Technical Education Chair at TINGOG Party-list Rep. Jude Acidre ang mga graduate ng Palawan State University (PSU) na gamitin ang kanilang pinag-aralan upang ipagtanggol ang dangal ng Pilipinas at ang yaman ng West Philippine Sea (WPS).
Binigyang-diin ng mambabatas na ang sigalot sa WPS ay hindi lamang simpleng usaping politikal o geopolitikal, bagkus ay usapin din ito ng kahirapan at food security.
Paalala pa ni Acidre sa mga graduate mula sa mga campus sa Roxas, Araceli, Dumaran, at San Vicente, na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa personal na kayamanan kundi sa kung paano ipinagtatanggol ang interes ng sariling bayan.
Nanawagan siya sa mga kabataang Palaweño na huwag matakot at gamitin ang kanilang husay at propesyonalismo upang magsilbing kalasag ng Palawan at ng buong Pilipinas