Nagtakda na ng pormal na schedule ang International Criminal Court (ICC) para sa ikalawang status conference sa kasong kinahaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng umano’y crimes against humanity dahil sa kanyang madugong “war on drugs.”
Sa inilabas na public order ng ICC nitong Huwebes, nakasaad na gaganapin ang status conference sa Hunyo 23, 2026, mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.
Ayon sa Trial Chamber III ng ICC, limang pangunahing isyu ang pagtutuunan ng talakayan sa nasabing pagdinig, kabilang ang mga sumusunod:
• Deadline ng pagsusumite ng mga obserbasyon sa Expert Panel Report
• Pag-adopt ng protocol sa paghawak ng confidential information
• Limitasyon sa haba ng Prosecution Trial Brief
• Pagtatakda ng mga susunod na status conference matapos ang judicial recess
• Public statements ng mga counsel Nauna nang isinagawa ang unang status conference noong Mayo 27, 2026, kung saan napagpasyahan ng hukuman na kailangan pa ang ikalawang sesyon para sa mas detalyadong pagtalakay sa proseso ng kaso.