Binigyang-diin ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Ma. Theresa Lazaro ang napakahalagang papel na ginampanan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa katatapos lamang nitong pagbisita sa Kazan, Russia.
Ayon kay Lazaro, hindi lamang ang ASEAN ang kinatawan ni Pangulong Marcos bilang kasalukuyang chair nito, kundi bitbit din ng Pangulo ang watawat ng Pilipinas.
Giit ng kalihim, isang malaking oportunidad ang agad na inaksyunan ng punong ehekutibo upang lalo pang mapalakas ang relasyon ng Pilipinas at Russia, na kapwa nagdiriwang ng ika-50 taon ng kanilang diplomatic relations.
Patunay umano ng produktibong pagbisita ni Pangulong Marcos ang mga key priority area na napag-usapan ng dalawang lider sa kanilang bilateral meeting, partikular ang mga usapin sa energy at food security, kalakalan, siyensiya, pharmaceuticals, biotechnology, academic cooperation, at people-to-people exchanges.