Kapwa nagkasundo ang Israel at ang grupong Hezbollah sa isang ceasefire sa Lebanon nitong Biyernes, ayon sa isang opisyal ng Estados Unidos, matapos ang panibagong paglala ng bakbakan na nagbanta sa mas malawak na usapang pangkapayapaan sa Gitnang Silangan.
Ayon sa naturang opisyal na humiling na itago ang kanyang pagkakakilanlan, nagsimulang umiral ang ceasefire bandang alas-4:00 ng hapon, oras sa Lebanon.
Sinabi rin ng opisyal na mahalaga ang naging papel ng mga negosyador mula sa Estados Unidos at Qatar upang mabuo ang kasunduan, na may tulong din mula sa bansang Iran.
Bago ang kasunduan, sumiklab muli ang bakbakan sa pagitan ng dalawang panig. Ayon sa mga ulat, 18 katao ang nasawi sa mga airstrike sa Lebanon habang apat na sundalong Israeli naman ang napatay sa mga opensibang ginawa ng Hezbollah.