Isang makasaysayang yugto ang naiukit ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos nitong tawirin ang International Date Line habang patungo sa Hawaii para sa paglahok sa Rim of the Pacific o RIMPAC 2026.
Sa isinagawang Golden Dragon Crossing the Line Ceremony kabilang ang PCG contingent sa matagal nang kaugalian sa larangan ng paglalayag na ginaganap kapag tumatawid ang isang barko sa International Date Line. Layunin nitong kilalanin ang mga unang beses na mandaragat at palakasin ang samahan, disiplina, at pagtutulungan ng mga tripulante sa pamamagitan ng iba’t ibang morale-building activities.
Ayon sa PCG, bahagi ito ng kanilang paghahanda at pakikilahok sa RIMPAC 2026, ang pinakamalaking multinational maritime exercise sa mundo. Ipinapakita rin nito ang patuloy na papel ng bansa sa pagsusulong ng maritime security, humanitarian cooperation, at mas matibay na ugnayan sa mga kaalyado at partner nations.