Itinuturing ng Department of Trade and Industry (DTI) na isang mahalagang oportunidad para sa Pilipinas ang naging pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Russia.
Ayon kay DTI Undersecretary Allan Gepty, magandang paraan ito upang maipakita sa global community at mga stakeholder ang masagana at promising na relasyong pang-ekonomiya ng Pilipinas at Russia, partikular sa larangan ng agrikultura, turismo, at enerhiya.
Makabubuti aniya sa mga maliliit na negosyante at mamumuhunan sa bansa na pag-aralan ang mga oportunidad na maaaring makuha sa pagpapatibay ng relasyon ng Pilipinas at Russia.
Sang-ayon pa rin aniya ito sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na i-diversify o higit pang palawakin ang mga merkado at economic partnerships ng bansa.