Umabot na sa 1,627,376 katao ang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Maasim, Sarangani noong Hunyo 8.
Batay sa pinakahuling ulat ng DSWD, apektado ang 635 barangay sa Regions IX, XI, XII, at BARMM, na katumbas ng mahigit 380,000 pamilya.
Nasa 87,000 katao naman ang nananatiling lumikas, kung saan mahigit 23,000 ang nasa mga evacuation center, habang higit 63,000 ang pansamantalang nakikitira sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan.
Ayon pa sa ahensya, umabot na sa mahigit Php 350 milyon ang naipamahaging humanitarian assistance para sa mga naapektuhang pamilya.
Samantala, naitala rin ang mahigit 15,000 bahay na lubos na nasira, habang halos 70,000 naman ang bahagyang napinsala dahil sa lindol.