Nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga retailer at mamimili na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga produktong saklaw ng Republic Act No. 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act sa loob ng 100 metro mula sa mga lugar na madalas puntahan ng mga menor de edad.
Ayon sa DTI, layunin ng RA 11900 na mabawasan ang exposure ng kabataan sa mga vape at iba pang covered products.
Nakasaad sa batas na hindi maaaring magbenta ng mga naturang produkto sa loob ng 100 metro mula sa perimeter ng mga paaralan, playground, at iba pang pasilidad na karaniwang dinarayo ng mga menor de edad.
Bahagi ito ng pagsisikap ng pamahalaan na mapanatili ang mas ligtas at mas malusog na pampublikong espasyo para sa kabataan.
Hinihikayat naman ng DTI ang publiko na i-report ang mga establisimyentong lumalabag sa regulasyon sa pamamagitan ng email na OSMV_Comms@dti.gov.ph upang matiyak ang mahigpit na pagpapatupad ng batas at proteksiyon sa kapakanan ng mga kabataan.
📸 DTI