Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 60 volcanic earthquake sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24-oras batay sa kanilang ulat ngayong June 22, 2026.
Nasa 60 tonelada/araw ang sulfur dioxide flux sa naturang bulkan batay sa kanilang pinakahuling monitoring nitong June 19, 2026.
May taas na 150-metro ang plume sa bulkan na nasa katamtamang pagsingaw at napadpad sa timog-kanluran.
Naitala rin ang panandaliang pamamaga sa bulkan.
Sa ngayon, nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan kung kaya’t mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4-km permanent danger zone at ang pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-km Extended Danger Zone (EDZ) sa gawing timog-silangan. Ipinagbabawal din ang pagpalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.
Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na posibleng maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosion anumang oras.