Inilunsad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang One-Time Tax Abatement Program para sa mga kwalipikadong micro taxpayers.
Sa ilalim ng Revenue Regulations No. 4-2026, maaaring mag-avail ng programa hanggang Disyembre 31, 2026 para sa pag-aayos ng mga delinquent tax accounts, tax assessments, at stop-filer cases.
Saklaw ng programa ang mga micro taxpayer na may gross sales na hindi hihigit sa ₱3 milyon kada taon at may basic tax liabilities o penalties na hanggang ₱80,000 lamang kada taxable year.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, kabilang sa maaaring mag-avail ng programa ang mga may bukas na tax cases at maging ang mga tumigil na sa operasyon ngunit may natitirang obligasyon sa buwis.
Kailangang magsumite ng aplikasyon sa Revenue District Office na may hurisdiksyon sa taxpayer at magbayad ng ₱5,000 na one-time abatement fee para sa bawat aprubadong aplikasyon.