Mariing kinondena ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Nagpahayag ng pakikiramay ang ahensya sa mga pamilya ng mga biktima at nanawagan ng agarang paggaling para sa mga nasugatan.
Ayon sa DILG, paalala ang insidente ng kahalagahan ng pagpapatibay ng school safety measures at pagpapatupad ng mga programang makatutulong upang maiwasan ang karahasan sa mga paaralan.
Iniutos na rin ng ahensya sa Philippine National Police (PNP) ang masusi at patas na imbestigasyon sa insidente, kasabay ng pakikipag-ugnayan sa Department of Education (DepEd) at mga local government unit (LGU) upang repasuhin at palakasin ang seguridad sa mga paaralan.
Tiniyak ng DILG ang patuloy na suporta nito sa mga biktima at sa komunidad ng paaralan.