Nakikipag-ugnayan na ang Department of justice sa Office of the Regional Prosecutor ng Region VIII at mga pulis upang alamin ang buong detalye ng naganap na malagim na pamamaril sa Tacloban City.
Ayon kay Justice Spokesperson Polo Martinez Kasalukuyang tinutukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga nasawi, nasugatan, at mga umano’y sangkot, pati na rin ang mga pangyayari at posibleng motibo sa likod ng pamamaril.
May mga ulat ding dalawang menor de edad ang nasa kustodiya kaugnay ng insidente.
Tiniyak ng DOJ na paiiralin ang lahat ng legal na proteksyon, lalo na para sa mga batang may kaso sa ilalim ng batas.
Maglalabas naman ng karagdagang impormasyon ang DOJ sa oras na makumpleto ang imbestigasyon. | ulat ni DK Zarate