Muling nagtungo sa tanggapan ng Department of Justice ang dating media personality na si Jay Sonza at kanyang legal counsel na si Atty. Mark Tolentino.
Itoy para mag sumite ng “rejoinder affidavit” o karagdanag tugon kaugnay ng reklamong cyber libel na isinampa ni dating Sen. Antonio Trillanes laban kay Sonza.
Matapos ang akusasyon na tumanggap umano ito ng malaking halaga ng pera para sa International Criminal Court.
Ayon kay Atty. Tolentino, submitted for resolution na ang reklamo.
Pero iginiit nito na hindi dapat “balat sibuyas” si Trillanes dahil bilang “public figure,” bahagi nito ng kritisismo at komentaryo na protektado ng freedom of expression. | ulat ni DK Zarate