Naglabas na ng price range ang Department of Energy (DOE) para sa pagbaba ng presyo ng langis bukas, June 22, 2026.
Sa ulat mismo ni DOE Secretary Sharon Garin ang kada litro ng gasolina ay bababa ng P3.90 hanggang P5.90 ang Diesel naman ay P9.04 hanggang P11.04 kada litro at Kerosene ay P9.82 hanggang 11.82 kada litro.
Ang malakihang rollback ay dahil sa pagbaba ng preyso ng langis sa world market dulot na rin ng magandang pag-uusap ng Iran at US kaugnay ng giyera sa Middle East.
Nagpaalala naman ang DOE sa mga kumpanya ng langis na sumunod sa price range at ‘wag magkukulang sa bawas-presyo at ‘wag na ‘wag rin biglaang magsasara para lang makaiwas sa pagpapatupad ng rollback.