Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hingil sa insidente ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City, kung saan tatlo ang naitalang patay at lima ang sugatan.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, ikinalulungkot ni Pangulong Marcos ang insidenteng ito.
”Kinalulungkot ng Pangulo ang pangyayari. Kahit sino pa man lalo na ang mga magulang ng mga nabiktima ay makakaramdam ng lungkot at takot,” ani Usec. Castro.
Aniya, kahit sinong indibidwal ay makakaramdamn ng lungkot at takot, lalo na ang mga magulang ng mga nabiktima ng pamamaril.
Kaugnay nito, pinapasiguro rin ni Pangulong Marcos ang proteksyon at kaligtasan sa lahat ng lugar, opisina, at establisimyento, lalong-lalo na sa mga paaralan.
“Iniuutos ang malalimang pag-iimbestiga rito at pinapasiguro ng proteksyon at kaligtasan sa lahat ng lugar, opisina, establisimyento lalong-lalo na sa mga paaralan,” pahayag ni Usec. Castro.