Puspusan ang isinasagawang follow-up operations ng Philippine National Police (PNP) para matukoy at maaresto ang mga utak sa likod ng isang bagong natuklasang lihim na scam hub sa Muntinlupa City.
Kasunod nito, inatasan ni PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang masusing imbestigasyon para papanagutin ang sinumang nasa likod nito.
Hindi aniya natatapos ang aksyon ng Pulisya sa simpleng pagsalakay lamang dahil dapat pagtuunan ng pansin kung paano madakip ang pangunahing lider ng sindikato.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr na buwagin ang mga scam hub sa bansa na posibleng kaugnay sa mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
June 15 nang salakayin ang naturang scam hub kung saan, naaresto ang hinihinalang POGO operator ng ilang website na kanila namang ginagamit sa iligal na aktibidad.