Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pormal na pagbubukas ng Mabini- Cayacay Small Reservoir Irrigation Project sa Bohol na inaasahang makapagbibigay ng benepisyo sa may 717 farmer beneficiaries.
Nagkakahalaga ang proyekto ng ₱828 milyong na naglalayong magbigay ng sapat na tubig sa mga sakahan at mapataas ang produksyon ng mga magsasaka.
Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nitong kayang patubigan ng nasabing irrigation project ang may 530 ektarya ng sakahan na nasa limang barangay ng Mabini at Alicia sa Bohol.
Dagdag ng Pangulo, na mula sa dalawa ay maaari ng magtanim ng tatlong ulit kada taon na tiyak na magpapataas sa ani ng higit 700 mga magsasaka.
Bawas epekto din sabi ng Pangulo ang Mabini- Cayacay Small Reservoir Irrigation project sa pinangangambahang epekto ng El Niño gayung may mapagkukunan na ng tubig ang mga magsasaka.