Photo courtesy of Philippine Coast Guard
Naka-heightened Aaert na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa North Eastern Luzon dahil sa posibleng epekto ng Bagyong Francisco.
Nakaposisyon at nakahanda na ang deployable response group ng PCG – North Eastern Luzon kasama ang iba’t ibang PCG stations at sub-stations para rumesponde at magbigay ng kinakailang tulong sa maaapektuhang lugar.
Pinapayuhan naman ang publiko na manatiling vigilant o mapagbantay, i-monitor ang update sa lagay ng panahon, at magsagawa ng mga kinakailangang pag-iingat.
Sa huling update ng PAGASA, hindi inaalis na umabot ang Bagyong Francisco sa kategoryang super typhoon.
Bagamat hindi ito inaasahang magla-landfall, maaaring maramdaman ang malakas na hangin at ulan sa Batanes at Cagayan sa mga susunod na araw.