Photo from Senate of the Philippines FB
Nanawagan si Senate President Sherwin Gatchalian sa Department of Education (DepEd) na magbigay ng agarang psychosocial support at intervention para sa mga naapektuhang estudyante, guro, at school personnel, gayundin ang paghihigpit ng seguridad sa mga paaralan.
Ito ay kasunod ng naganap na pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong menor de edad.
Una nang naaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa insidente. Napag-alamang isa sa mga ito ay isang 15-anyos na Grade 9 student ng naturang paaralan.
Ipinahayag din ng Senate President ang kanyang pagkaalarma at pagkagalit sa nasabing insidente.
Ayon kay Gatchalian, hindi katanggap-tanggap na umaabot na ang ganitong uri ng karahasan sa mga paaralan na dapat ay nagsisilbing ligtas na espasyo para sa mga mag-aaral.
Kinabahala rin ng Senate leader ang sunod-sunod na insidente ng karahasan sa loob ng mga paaralan, na aniya’y nangangailangan ng agarang at magkakaugnay na pagkilos.