Ipinagmalaki ni Manila City Vice Mayor Chi Atienza ang bangis ng 13th City Council, hindi lang sa pagpasa ng mga ordinansa kundi maging sa pagdisiplina sa mga opisyales ng lungsod.
Sa pakikipag-usap nito sa mga mamahayag ng Manila City Hall press club, sinabi ni Atienza na ginagamit na ng 13th council ang Quasi Judicial Function nito o yung pagiging hukom pagdating sa mga administrative cases ng mga opisyales ng lungsod.
Sa katunayan ayon sa bise alkalde nasampolan na ang ilang opsiyales ng lungsod sa pamamagitan ng suspension dahil sa ibat ibanv klaseng paglabag o pang-aabuso.
Giit ni Atienza na ito ang unang pagkakataon na ginamit ng konseho ng maynila ang Quasi Judicial Function nito.
Ibig sabihin aniya may pangil na ang konseho laban sa mga mapang abuso at mapang-aping opisyales ng lungsod. | ulat ni Lorenz Tanjoco