Mariing itinanggi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang alegasyon ni Atty. Levi Baligod na tumanggap umano siya ng apat na maleta at isang bag na naglalaman ng pera mula kay dating Cong. Zaldy Co.
Sinabi ni Garcia na walang kredibilidad ang mga paratang dahil sa umano’y mga pagbabago at pagkakaiba-iba ng mga pahayag ng mga testigo.
Kinuwestiyon din ng Comelec Chairman kung bakit si Baligod pa umano ang nagtatama at nagpapaliwanag sa tuwing may magkakasalungat na testimonya.
Sa ambush interview sa Department of Justice, nanindigan si Baligod na may mga dating bodyguard umano ni Co na nagpatotoong dalawang beses na naghatid ng mga maleta ng pera kay Garcia. | ulat ni DK Zarate