Nagsimula na ang pamamahagi ng libreng sampung kilong bigas sa Brgy. 72 Tondo Maynila.
Ito ay ang programang “mula sa puso para sa pamilya na layung matiyak ang karagdagang pagkain para sa mga vulnerable sector tulad ng PWD, Senior Citizen at Solo parent.
Mismong si First Lady Liza Araneta Marcos ang nagbuhat ng ilang sako ng bigas at binitbit papunta sa mga benepisaryo.
Tinulungan siya ni Manila City Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Atienza.
Tuwang-tuwa ang mga residente dahil kitang kita sa kilos ng unang ginang na masaya siya sa kanyang ginagawa.
Bukod sa pamamahagi ng bigas, kinamusta at nakipag kwentuhan si First Lady Marcos benepisyaryo.
Lubos na nagpasalamat si Manila City Mayor Isko Moreno kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil patuloy na nililingon ang kanilang lugar para matulungan.
Taos puso ring nagpalasamat ang mga benepisaryo at para sa kanila malaking tulong na ang 10 kilong bigas dahil sa mahal na ang bilihin ngayon. | ulat ni DK Zarate