Nanindigan ang Department of foreign Afaairs na pinal at tama ang 2016 Arbitral Ruling hinggil sa West Philippine Sea.
Sa inilabas na pahayag ng DFA sinagot nito ang pagkwestyon ng Tsina sa Arbitral Award kung saan sinasabing may karapatan ang Pilipinas sa naturang teritoryo. Giit ng DFA kinikilala ng international arbitral tribunal ang desisyon at inilabas ito alinsunod pa sa United National Convention on the Law of the Sea o UNCLOS. Kaya itinuturing din itong angkop sa international law.
Dahil dito wala umanong ligal na batayan ang anomang pagpapawalang bisa o hindi pagkilala sa desisyong ito.
Idiniin pa ng DFA na matagal nang naayos ng Pilipinas ang hinihinging requirement sa Article 283 para sa settlements of dispute at sa kabila ng pagtanggi ng China, kumikilos ang Pilipinas na may pagrespeto sa diplomasya.
Matatandaan na sinabi ni Chinese Embassy Deputy Spokesperson Guo Wei na null and void umano ang desisyon at iligal. | ulat ni Louisa Erispe