Hinikayat ng Department of Trade and Industry ang publiko na magsumbong sa mga mamamataan na nagtitinda ng vape malapit sa mga eskwelahan.
Sa kamakailang inilabas na advisory ng DTI nakasaad kasi umano sa Republic Act Number 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act na dapat isang daang metro ang layo ng mga nagtitinda ng vape mula sa mga eskwelahan.
Ito ay upang hindi maging accessible ang mga vaporized products sa mga minor de edad at mapanatiling ligtas ang mga pampublikong lugar.
Bukod naman sa eskwelahan bawal din malapit sa parke, playground at mga Daycare center.
Maaari naman aniyang magsumbong sa email address ng DTI na OSMV_Comms@dti.gov.ph o kaya ay sa pinakamalapit na tanggapan ng DTI. | ulat ni Louisa Erispe