Pormal nang hiningi ng prosekusyon sa Senate Impeachment Court na utusan ang legal team ni Vice President Sara Duterte na maghain ng mas malinaw at detalyadong listahan ng kanilang mga saksi at ebidensya.
Ayon kay House Trial Spokesperson Zia Alonto-Adiong halos parehas ang ginamit ng depensa para sa kanilang mga ihaharap, kaya nakalilito aniya kung para saan ba talaga ang mga ito.
Dagdag ni Adiong bahagi ng kanilang inihain na compliance and manifestation document sa impeachment court ay i-specify ang purpose ng kanilang mga testigo na nakasaad sa pre-trial brief.
Kabilang kasi sa kanilang testigo ay sina dating Senador Antonio Trillanes IV, Ramil Madriaga, at higit sa 40 iba pang indibidwal na karamihan ay testigo din ng prosecution.
