Photo from OWWA FB
Kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nasa maayos na kalagayan na ang 24 na Pinoy na naipit sa Russia dahil sa ilang immigration issue matapos itong makauwi ng bansa.
Sa panayam ng Mark In, Mark Out kay OWWA Administrator, Atty. PY Caunan full-force ang ibinabahaging tulong ng pamahalaan sa mga umuuwing OFW partikular sa tulong pinansiyal at iba pang reintegration programs.
Nakaalalay din ang iba pang ahensiya ng pamahalan tulad ng Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD), para sa lagay ng kalusugan at psychosocial interventions para sa mga distressed na Pilipino.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Department of Migrant Workers (DMW) sa kaso ng 24 na Pinoy na umuwi muli Russia.