Asahan pa ang mas maraming Maritime Cooperative Activity (MCA) ng Pilipinas sa iba pang mga kaalyadong bansa sa hinaharap.
Ito ang tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng matagumpay na pagpapatrulya ng BRP Diego Silang sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS) partikular na sa Bajo de Masinloc.
Sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP Spokesperson for the West Philippine Sea, retired and reserved RAdm. Roy Vincent Trinidad, bitbit ng barko ng Pilipinas ang 2016 Arbitral Award na naggigiit sa soberaniya ng bansa.
Habang ang Tsina naman ay walang ibang bitbit kungdi ang mga naratibo ng pang-aangkin sa mga teritoryong para sa Pilipinas.
Iginiit ni Trinidad na ang ginawa ng Pilipinas ay ginawa sa ligal at propesyonal na pamamaraan at sapat ang mga asset nito para gumanap ng iba’t ibang operasyon sa karagatan.