Dalawamput tatlong bala ng 50 caliber na baril ang nakuha sa compound ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Pasay City
Batay sa report ng PNP Aviation Security Group noong April 2026 pa nakuha ang mga bala dahil sa ginagawang paghuhukay sa loob ng compound
Ito naman ay mga vintage na o luma na at makikita sa mga itsura nitong mga kinakalawang na.
Ligtas naman itong natanggal at hindi nagkaroon ng banta sa kaligtasan ng mga empleyado ng CAAP at iba pang nasa loob ng compound
Itinurn over naman ito sa Aviation Security and Canine Group para sa inspection, documentation, assessment at proper disposal.
Tiniyak naman ni PNP AVSEGROUP Director Police Brigader General Dionisio Bartolome Jr na sisiguruhin nilang ligtas mula sa anomang banta ang aviation facilities sa bansa.