May nakikitang malaking ambag sa ekonomiya ng Pilipinas ang mga retiradong expatriate.
Ito ang pananaw ni Philippine Retirement Authority (PRA) General Manager at Chief Executive Officer Bob Zozobrado matapos na tanghalin ang Pilipinas bilang nangungunang retirement destination sa buong mundo.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service kay Zozobrado, sinabi nito na dahil sa dami ng mga retiradong pinipili na dito na manirahan sa Pilipinas ay nagdadala rin ito ng tulong sa ekonomiya ng bansa.
Aniya, malaking bahagi ng kabuoang 70 trillion U.S. dollars buhat sa global retirement industry ay napupunta sa Pilipinas hindi lamang mula sa kanilang pagreretiro sa bansa bagkus ay dahil na rin sa pamumuhunan ng ilan sa kanila.
Ibinida rin niya ang madaling proseso nang pagkuha resident retirement visa sa Pinas maging ang magandang kultura kaya naman pinipili ng maraming foreign retirees ang bansa.