Buong pusong nagpasalamat si Mayor Nancy Binay sa “Lab for All Program na isinusulong ni First Lady Liza Araneta-Marcos na nagbibigay ng libreng laboratoryo, konsulta at gamot sa mga residente ng Makati City.
Kahapon personal na pumunta ang Unang Ginang sa Makati Coliseum para sa pagsasagawa ng programa sa lungsod. Dito maraming residente ng Makati ang nabigyan ng libreng urinalysis, random at fasting blood sugar tests, BMI assessment, hemoglobin testing, cholesterol at uric acid screening, chest X-ray, fetal Doppler, ultrasound para sa mga buntis, libreng konsultasyon, at libreng gamot para sa 15 araw.
Ayon naman kay Mayor Binay sumasalamin ang programa sa layunin ng pamahalaan na palakasin ang healthcare system sa PIlipinas, alinsunod sa Republic Act Number 11223 o Universal Healthcare Act.
Aniya, ang mga ganitong inisyatibo ay malaking tulong para mapangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino.
Bukod naman kahapon ay nagkaroon na rin ng pre-event Medical Missions sa Makati City para sa programa. Noong June 19, ay Medical Mission sa Brgy. Valenzuela, June 20 sa Brgy. Carmona, at June 21 sa Brgy. Guadalupe Viejo.
📸 Makati LGU
