Lungsod ng Davao ang nakakuha ng pinakamalaking National Tax Allotment (NTA) na umabot sa ₱10.1 billion.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, ito ay halos 15% na dagdag sa natanggap nitong NTA noong 2025.
Dito naman sa Kalakhang Maynila ay Quezon City ang biggest recipient ng NTA na umabot sa ₱9.82 billion, na sinundan ng lungsod ng Maynila na nasa ₱6.09 billion, habang pumangatlo ang Caloocan na nasa ₱5.5 billion, at sumunod naman ang Taguig at Pasig City.
Kaugnay nito’y tiniyak ng Executive Secretary na lahat ng LGU ay siguradong makatatanggap ng increase sa National Tax Allotment.
Tinukoy naman ni Recto na funding source ng NTA ang bahagi ng koleksiyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC), at iba pang koleksiyon na sertipikado ng Bureau of the Treasury (BTr).