Sultan Kudarat at South Cotabato ang destinasyon ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para pangunahan ang pagpapasinaya ng mga bubuksang proyektong pang-imprastraktura at paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan.
Sa Sultan Kudarat ay pupuntahan ng Pangulo ang inagurasyon ng Antong Dam at Irrigation System Project sa Barangay Manili, bayan ng Lutayan.
Layunin ng proyekto na makatulong sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng mas maayos na suplay ng tubig para sa mga magsasaka.
Sa South Cotabato naman ay pangungunahan ng Pangulo ang Bawat Bayan Makikinabang program ng pamahalaan kung saan ay magkakaroon ng pamamahagi ng 10 kilo ng bigas, scholarship program sa mga estudyanteng malapit nang magtapos sa kolehiyo, at paghahatid ng iba pang serbisyo.
Asahan na sa pagbisita ng Pangulo ay muling bibigyang-diin nito ang importansiya ng pagpapaunlad ng imprastraktura at pagbibigay ng direktang suporta sa mga LGU bilang bahagi ng pagsusulong ng kaunlaran sa buong bansa.