Nakatakdang magsumite na ang Ehekutibo sa Kongreso ng panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, ito ay inaasahan sa buwan ng Agosto o isang buwan pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa susunod na buwan.
Wala pa namang inilalabas na balangkas ng mga popondohang kagawaran para sa 2027 subalit ayon kay Recto ay itinuturing nilang “one of the biggest ticket items” ay ang National Tax Allotment (NTA) para sa mga lokal na pamahalaan.
Ito, sabi ng Executive Secretary, ay aabot sa ₱1.32 trillion. Mas mataas ng ₱129.32 bilyong piso kumpara sa kasalukuyang alokasyon.
Nanguna ang Department of Education (DepEd) sa may pinakamalaking budget allocation ngayong taon na nasa ₱1.015 trilyong piso, na sinundan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Health (DOH), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of National Defense (DND).