Kabilang sa mga testigo ng House prosecution team si Abe Andress, ang Davao Court Sheriff na sinapak ni Vice President Sara Duterte nuong siya pa ang alkalde ng lungsod.
Base sa pre-trial brief ng kampo ng prosekusyon.. kasama si Abe Andress sa kanilang testigo sa Article 4 o ang pagbabanta ng pangalawang pangulo sa kay pbbbm, First lady at dating speaker Martin Romualdez.
Matatandang isinisilbi nuon ni Andress ang court order sa mga residente na nakatira sa barangay Soliman sa Davao City nang pinagsasapak siya ng pangalawang pangulo na nagdulot sa kanyang pagkakaospital.
Ito ay upang patunayan ang “tendency to inflict violence” ng respondent.
Maliban kay Andress, kasama rin sa testigo sa Article 4 sina House Legislative Security Bureau Executive Director Belinda Bello, NBI Director Melvin Matibag at ilan pang NBI agents at ilan pang opisyal mula sa PNP Firearms and and explosives office. | ulat ni Melany Reyes